“...naniniwala kasi ako na may dahilan kung bakit ipinagbabawal sa maraming religion ‘yung witchcraft. I mean, why would they condemn something that doesn’t exist, ‘di ba?” sagot ng girlfriend ko sa tanong ko kung naniniwala ba siya sa magic. Question Game activity naming dalawa. Getting to know each other, kumbaga.
“Ano bang pinakanaalala mo nu’ng bata ka pa?” Turn naman ni Shella magtanong.
Hindi ako nag-isip. Parang reflex action, otomatik, na ibinigay sa ‘kin ng utak ko ang sagot.
Mga Grade One pa ako noon. Busy akong kinukulayan ng red si Spongebob—kasi nawawala ‘yung color yellow na krayola, nang tanungin ako nina Papa at Mommy kung kumusta ang araw ko sa iskul. Mabilis kong itinaas ang braso ko, ine-expose sa mga paningin nila ang limang star na nakuha ko noon, abot-tenga ang ngiti.
“Mana sa tatay,” sabi ni Papa kay Mommy noon, “Matalino. Magiging habulin ‘to ng tsiks ‘pag nagbinata.”
Mahinang hinampas ni Mommy ang braso ni Papa. “Kung ano-ano matutunan sa ‘yo ng bata, eh,” reklamo niya.
“Anak, may crush ka na ba sa school mo?” isa pang tanong ni Papa. Nanlaki ang mga mata ni Mommy na para bang sinasabi kay Papa na tumigil na siya, kinukurot ang braso nito.
“Oo naman po. Dalawa pa!” mayabang kong sagot, proud na proud sa sarili, gustong ma-impress si Papa.
“Sino?”
“Si Roxette po...atsaka, atsaka si Elijah!”
“Nak, lalake ba o babae ‘yung Elijah?” tanong ni Papa.
“Hindi ba ‘yon ‘yung bunso ni Sitang?” narinig kong bulong naman ni Mommy kay Papa, nakapinta sa mga mata ang pag-aalala.
“Lalake po!” proud na proud pa rin ang sagot.
Naramdaman kong bumabaligtad ang buong universe, umiingay ang hangin, nangungutya ang mga pader sa bahay, lumulubog sa tubig ang mundo. Ilang segundong katahimikan. Nakakabinging katahimakan. Tanging ang pagwawala ng puso ko ang maririnig. Pag-angat ng ulo ko, natagpuan kong mas namumula pa si Papa kesa sa Spongebob na kinukulayan ko. Nagsisisulputan na rin ang mga ugat sa leeg at noo na ngayon ko lang nakita. Sa isang kisapmata, naging bulkan si Papa, anumang oras puwedeng sumabog. Natakot ako dahil unang beses ko pa lang siya makitang gano’n. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung ano’ng nangyari. Hindi nauunawaan ng musmos kong kaluluwa ang nagaganap.
Ang sumunod ko na lang na natatandaan: hila-hila ako ni Papa, kinakaladkad sa daan; nakatingin ang mga kapitbahay sa eksana, nagtsitsismisan; humahagulgol ako sa takot; lumuluha rin si Mommy, nagmamakaawa; suot-suot ko ang dress ni ate na ipinilit isuot sa ‘kin ni Papa. Iba’t ibang reaksiyon, parang pelikula. May naawawa, may natatawa, may nangungutya. Pero walang nagtangkang pumigil. Nanonood lang sila. ‘Yun lang naman ang papel lagi ng mga tao: observers.
“Tignan mo,” sabi ni Papa, galit pero pinipilit pakalmahin ang boses. Nanginginig ito. Tama na po, Pa, gusto ko sabihin pero humaharang ang bawat luha’t hikbi sa tinig ko. “Masamang magkagusto sa lalake ang lalake. Masama maging bakla!”
Umiiyak lang ako. Tango nang tango.
“Kapag naging bakla ka, aapihin ka lang, tutuksuhin. Hindi ka nila irerespeto. Babastusin ka. Masama maging bakla, anak. Naiintindihan mo? Masama.” Mas masama pa ang mga bading kesa sa mga taong nang-aapi, nanunukso, nambabastos. Gano’n ba talaga ‘yon? Noong mga oras na ‘yon, naniniwala nga ako. Naniniwala kasi ako na palaging tama ang mga magulang. Tango lang ako nang tango. Iyak pa rin nang iyak. Mali maging ako, nakukuha ko na. Mali maging ako.
“Siguro ‘yung nagka-LBM ako sa klase,” sagot ko kay Shella na naiinip na. “Basang-basa at ambaho ng shorts ko nu’n. Pinagtatawanan ako ng lahat ng kaklase ko. Nakakahiya talaga. Di ko makakalimutan ‘yun.”
Bigla naman akong niyakap ni Shella at humalik sa pisngi ko. “Wawa naman, baby ko. O, ikaw naman magtanong.”