Samahan mo akong alalahanin
Ang masasayang alaala natin
Ang mga panahon na kay tamis
Dahil sa pagmamahal na labis
Samahan mo ako sa pag-ngiti
Habang sinasariwa ang mga sandali
Noong ako’y mahal mo pa
At ika’y akin pang sinta
Samahan mo akong mainis
Sa mga away na lumabis
Sa ating mga paglisan
Kahit na may alitan
Samahan mo akong lumuha
Sa gitna ng ulan
Sa labis na pagsisisi
At pagdadalamhati
Magbalik tayo, at samahan mo ako
Sa mga pagkakataong unti-unting naging abo
Sariwain natin aking irog, sa huling sandali
Ang mga panahong natapos, na nais kong limutin
Samahan mo ako sa aking pagbabalik
Sa kung sino ako, ako’y nanabik
Paalam mahal ko, sa huling pagkakataon
Paalam, Salamat at hanggang sa muli
Ang masasayang alaala natin
Ang mga panahon na kay tamis
Dahil sa pagmamahal na labis
Samahan mo ako sa pag-ngiti
Habang sinasariwa ang mga sandali
Noong ako’y mahal mo pa
At ika’y akin pang sinta
Samahan mo akong mainis
Sa mga away na lumabis
Sa ating mga paglisan
Kahit na may alitan
Samahan mo akong lumuha
Sa gitna ng ulan
Sa labis na pagsisisi
At pagdadalamhati
Magbalik tayo, at samahan mo ako
Sa mga pagkakataong unti-unting naging abo
Sariwain natin aking irog, sa huling sandali
Ang mga panahong natapos, na nais kong limutin
Samahan mo ako sa aking pagbabalik
Sa kung sino ako, ako’y nanabik
Paalam mahal ko, sa huling pagkakataon
Paalam, Salamat at hanggang sa muli