Masaya akong marinig ang tawanan nila. Sinong mag-aakalang makakarating silang lahat? Marami sa kanila ay bumaybay pa mula sa malalayong lugar. Sa dami nila’y hindi ko na nga mamukhaan ang iba.
Isa isa silang lumalapit patungo sa kung saan ako naroroon. Hindi ko man makilala ang lahat ng bisita, nariyan naman si Mama upang sabihin sa’kin kung sino-sino sila. “Si Enteng, pinsan mo kay Tiya Helena. Siya ‘yung nag-abroad dati, kaya baka hindi mo na talaga siya kilala.” Doon ko naisip na bawat taong ipapakilala sa’kin, may kani-kaniyang istorya. Mga istoryang gugustuhin kong masubaybayan ang susunod na kabanata.
Gaya ng nakagawiang family reunions na sabay sa aking kaarawan, ‘di makakaligtaan ang pagbabalik-tanaw. Waring nakasakay ang mga nakikinig sa isang makinaryang may kakayahang bumalik sa nakalipas. Malungkot o masaya man ang alaala nilang kasama ako, para sa akin, lahat ‘yon importante.
Ang araw na ito ay puno ng kamustahan. Simple lang ngunit ang mahalaga ay sama-sama. Maraming pagkain. Bumubuhos ang mga inumin. May mga palaro, at maraming nagbibigayan ng barya't mga perang papel na bago.
Ang sarap nilang panoorin. Gustuhin ko mang makisali ay hindi maaari. Hindi ko kayang gumalaw, hindi ko kayang makisigaw. Wala akong magawa kun’di ipikit ang aking mga mata at lasapin ang bawat sandali. Lubos kong pinakikinggan ang bawat winiwika nila habang ang likod ko ay nakadantay sa animo'y malambot na higaan. Higaang hinati ng isang malaking salamin na ginamit upang hindi ko maramdaman ang patak ng pagka-ulila. Nakaguhit sa aking mukha ang labis na kapayaan sapagkat ang araw na ito ay ang araw na mahal ako ng lahat.