Tumatakbo ang oras, lumalalim ang gabi
Ngunit heto pa rin, nagbabakasakali.
Tik, tok, tik, tok. Hanggang kalian ba?
Pumarito ka at ang sakit ay ibsan nawa,
Ng iyong matamis na ngiti o tawa kaya,
Pero, Mahal, wala akong magagawa.
Hihintayin na lamang kita hanggang dulo,
Hihintayin na lamang kita hanggang matuto
Na hindi ka niya mahal at ako ang nandito,
Bakit hindi mo lisanin ang mapait na totoo?
Kitang kita ang sakit sa mata mong maganda,
Halika’t hayaan mong mahalin na lamang kita.